Roque may COVID; naka-confine sa ospital

KINUMPIRMA mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na naka-confine siya ngayon sa isang ospital matapos siyang magpositibo sa coronavirus disease.

“I am now admitted in a hospital for Covid treatment,” pahayag ni Roque sa isang official statement.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Roque ang PUBLIKO, na doblehin pa ang pag-iingat para proteksyunan ang sarili laban sa virus dahil mas madali itong makahawa ngayon.

“This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution,” ayon sa opisyal.

Inihayag din ni Roque na siya rin ang mag-aanunsyo nang kung ano mang diskusyon o rekomendasyon ang mangyayari sa isasagawang meeting ngayong araw ng Inter-Agency Task Foce.

Humingi rin ng dasal ang opisyal hindi lang para sa kanya kundi sa lahat ng mga tinamaan ng virus dito at sa labas ng bansa.

“I am asking for your sincerest prayers to all afflicted with Covid 19 in the country and around the world.

“God bless and protect us all,” pahayag ni Roque.