ECQ pa o MECQ na? Duterte di pa sure

WALA pang anunsyo ang Malacañang kung palalawigin pa ang ipinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus o ipatutupad na ang mas maluwag na modified enhanced community quarantine (MECQ).


Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, pinag-aaralan pa ni Pangulong Duterte kung napapanahon nang ibaba ang quarantine classification sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.
“President Rodrigo Roa Duterte is weighing the pros and cons before making his final decision,” ani Roque sa kalatas.


Idinagdag niya na kasalukuyan ay nirerebisa pa ni Duterte ang mga impormasyong gaya ng Health Care Utilization Rate (HCUR) sa nasabing lugar.


“We shall provide the necessary notice once everything has been made final,” sabi ni Roque.