E, sino ba naman kasi ang may sabi na dapat i-restrict ang mga tao na nasa NCR plus bubble?
Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. General Guillermo Eleazar, hindi na kailangan pang sumailalim sa inspeksyon ng mga residente ng Metro Manila at lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Giit pa ni Eleazar sa isang panayam sa telebisyon, malaya ang PUBLIKO na lumabas ng bahay at maglabas-masok sa NCR at sa mga probinsiyang nakapailalim sa bubble dahil wala naman anyang checkpoint na haharang sa kanila lalo na sa araw.
Pero malinaw anya na may checkpoint na gagawin tuwing gabi lalo pa’t ipinatutupad ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng madaling araw, at para matiyak na sinusunod ng PUBLIKO ang minimum health protocols.