P13.6M shabu nasamsam sa Laguna

13M SHABU

TINATAYANG P13.6 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pulisya Marte ng gabi sa Laguna matapos maaresto ang isang lalaki na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga.


Kinilala ang naaresto si Edgarfeel Baloni Sakilan, tubong Maguindanao, at ngayon ay naninirahan sa San Pedro, Laguna.


Inaresto si Sakilan alas 8:45 ng gabi sa Saint Joseph Village, matapos makuha sa kanya ang may dalawang kilo ng shabu.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang marked money na ginamit sa bentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000, P1.3 million pekeng pera at isang Honda City sedan na may plakang AEA-9728, at cellphone.