Mark Anthony Fernandez nagpabakuna; netizens nagngitngit

mark anthony nagpabakuna

NAGNGINGITNGIT sa galit ang mga netizens matapos kumalat ang chika na nakapagpabakuna na kontra-Covid-19 ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.
“Papansin naman to bakit ka nagpaturok at bakit naman sya tinurukan aba naman,” buwelta sa isang commenter.


“Dami feelingero dami feeling frontliner hays,” sabi naman ng isa pang netizen.
Ipinaalala rin sa publiko ng isa pang “sawsawero” ang isyu ng marijuana ng aktor.
“Bakuna ba talaga yun? o pampa “HIGH” lang !!!!!!!!!! ano ba kayoooo!??? hehehe,” hirit nito.


“Ito yung nahulihan ng bultong marijuanapero nakalaya lang at ngayon nakapagbakuna pa.. kaswerteng nilalang naman nito. Sana all,” sabi ng isa pa.

Maging si DILG Usec. Epimaco Densing III ay nainis nang malamang nabakunahan si Mark Anthony dahil sa ngayon aniya ay mga frontliners lamang muna ang dapat bigyan ng bakuna.