Pacman kay Biden: Bakuna para sa PH ipadala na please

NAKIUSAP si Sen. Manny Pacquiao kay US President Joe Biden na madaliin ang pagpapalabas ng 20 milyon doses ng Moderna Covid-19 vaccine na binili ng gobyerno ng Pilipinas at pribadong sektor.


Sa kanyang sulat na pinadaan kay Charge d’Affaires John Law, sinabi ni Pacquiao na desperado na sa bakuna ang Pilipinas dahil sa dami ng mga nagkakasakit.


“On behalf of all Filipinos and the Filipino-American community, I humbly ask for the generous help of your government to intervene for the early delivery of the Moderna vaccines. Even an initial release and delivery of at least P10 million doses this April would go a long way in saving many Filipino lives,” ani Pacquiao.


Nakatakdang dumating ang unang batch ng Moderna vaccine sa Hunyo.