Dirty’ ice cream bumida sa New York

BIBIDA sa Big Apple ang “dirty ice cream” matapos magbukas ang isang Pinoy ng sarili niyang ice cream shop sa New York City.

Ayon kay So Sarap NYC Filipino owner VJ Navarro na gusto niyang ibahagi rin sa iba ang sarap ng dirty ice cream.

“Lumaki po ako sa Pilipinas kung saan palagi po kaming nililibre ng lolo namin ng dirty ice cream kapag may dumadaan sa aming kalye. Naalala ko po ’yung sarap ng ice cream habang nage-enjoy kasama ang buong pamilya,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, nag-offer sila ng ube at cheese flavor na ice cream dahil paborito niya ang mga ito.

“Since my favorite flavors are ube and cheese, we thought of making those flavors first because cheese is not a known ice cream flavor here in the US. We wanted to share it with our non-Filipino customers to try,” kwento niya.

Iikot ang dirty ice cream cart sa iba’t ibang parte ng New York sa June 12 hanggang 13.