OFW, marino pwedeng mamili ng vaccine brand

MAAARING mamili ng brand ng bakuna laban sa Covid-19 ang mga overseas Filipino workers at seafarers kung kailangan ito sa kanilang trabaho, ayon sa Malacañang.


“Kung meron naman po talagang basehan at ito’y magiging pre-condition para sa hanapbuhay ng ating mga kababayan, may posibilidad po,” ani presidential spokesperson Harry Roque.


Napaulat na hindi na umano tatanggapin ng maraming bansa ang mga dayuhang manggagawa na naturukan ng ilang brand ng bakuna.


“Pag-aaralan po. Ang sabi naman po ng Presidente, there may be a basis for the request and again, explaining the President’s position, ‘yung Constitutional principle involved po is equal protection of the law na dapat all those similarly situated to be treated in the same manner,” paliwanag ni Roque. “Pero kung meron naman pong genuine basis for distinction, baka po pwede po.”


Matatandaang sinabi ni Duterte na hindi dapat maging mapili ang mga Pinoy sa brand ng bakuna na ituturok sa kanila. –WC