Transwoman pwede nang sumali sa beauty pageant

MAGANDANG balita sa mga miyembro ng LGBT community.


Ngayong taon ay maaari nang sumali sa Miss South Africa pageant ang mga transwomen.


Ayon sa organizers, upang makasali ay kailangan na mayroon lamang valid South African ID na nagpapakita na ang kasarian nila ay babae na.


Bumuhos naman ng pagbati ng mga netizens sa Miss South Africa organization dahil sa desisyon na tumanggap ng nga kandidatang trans.


Noong 2018 ay pinayagan ng Miss Universe ang transgender contestant ng Spain na si Angela Ponce na lumaban sa timpalak.


Kinukonsidera ang South Africa bilang isa sa mga “powerhouse” na bansa pagdating sa mga beauty contests. –A. Mae Rodriguez