Mikee, Paul inalagaan isa’t-isa nang sabay magka-Covid

SA isang bahay nag-quarantine ang magkasintahang Mikee Quintos at Paul Salas nang kapwa sila madale ng Covid-19.

Unang nagpositibo si Paul habang nagkasakit si Mikee matapos ang tatlong araw.

Ayon kay Mikee, inalagaan nila ang isa’t-isa habang may sakit.

“Nung nag-positive na din ako, we chose to do quarantine together na. Kasi ang hirap din ng mag-isa, so tulungan kami pagkuha ng gamit, sa pagluto ng food,” ani Mikee.

Sinegundahan ito ni Paul na sinabing sinuportahan nila ang isa’t-isa hanggang gumaling sila.

“Malaking bagay talaga ‘yung may mga taong nag-aalaga. Iba ‘yung talaga anxiety na ma-fe-feel mo sa COVID-19 lalo na pag mag-isa ka,” sabi niya.