Manila LGU mag-iisyu ng quarantine pass

MAG-IISYU ang local government ng Manila ng quarantine pass kaugnay sa paiiralin na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus mula bukas hanggang Abril 4.


Sa memo na ipinost ng Manila Public Information Office, inatasan ang mga punong-barangay na mamigay ng odd-even quarantine pass.


Ang mga residente na may odd number na pass ay papayagang lumabas sa Lunes, Miyerkules at Biyernes mula alas-5 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi at Linggo mula alas-5 hanggang alas-11 ng umaga.


Habang ang mga may hawak ng pass na may even number ay maaaring lumabas sa Martes, Huwebes at Sabado mula alas-5 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi at sa Linggo mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi.


Isang quarantine pass lamang ang ibibigay kada pamilya.