Pokwang tinawag na yaya ng basher

CHILL lang ang komedyanang si Pokwang matapos siyang tawaging yaya ng isang basher na nag-comment sa Instagram video niya at ng kanyang anak.


“Opo at nag e enjoy ako sa pagiging yaya ng anak ko para matutukan ko paglaki niya at lumaking mabuting tao,” sagot ni Pokwang sa hater, na isang Pinay na nakatira sa US.


Kung kalmado lang ang komedyana, nanggigil naman ang fans niya at kinuyog ang netizen.


“Jealousy is a disease,” say ng isa.


“Pag inggit pumikit,” hirit ng isa pa.


“Ikaw yung mukhang yaya. Nakatira k lang sa ibang bansa kala mo naman sosyal kna. yun ugali mo daig mo pa sa nakatira sa walang pinag-aralan,” chika rin ng isa pang fan ni Pokwang.