Mag-asawang celebrity sumingit sa pila ng bakuna


SUPER-SINGIT sa pila ng mga nagpapabakuna ang mag-asawang TV host sa Galleon Museum sa SM Mall of Asia nitong Lunes.


Wala pang alas-7 ng umaga ay mahaba na ang linya ng mga nakaiskedyul na magpapabakuna sa labas ng museyo.


Bago mag-alas-8 ay nagsimula nang magpasok ng mga tao para sa second dose ng Sinovac.


Pasado alas-9 ng umaga ay laking-gulat ng mga nakapila, kabilang ang mga miyembro ng media, nang biglang nagpunta sa unahan ang mag-asawa at nagpaturok.


Todo-selfie naman ang mga staff ng vaccination site matapos magpabakuna ang dalawa, na tila dedma lang sa mga nasingitan nila.


Ayon sa ilang nakasaksi sa pangyayari, mas marami pang taga-media na mas kilala kesa sa dalawa ang walang angal na naghintay para sa mabakunan. –WC