DAHIL sa pagdami ng mga tinamaan ng Covid-19 ay magtatayo ang pamahalaan ng mga isolation centers at temporary treatment and monitoring facilities para sa mga asymptomatic at mild na kaso.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, karamihan ng mga bagong kaso ng sakit ay mild lamang.“Kailangan madagdagan ang mga isolation centers at TTMF para mailagay ang mga mild at asymptomatic. Kasi sa hospital magko-concentrate na ‘yung mga institution sa mga moderate at severe,” aniya.
Sa kasalukuyan ay 60 porsyento nang okupado ang mga kama para sa mga pasyente ng Covid-19 habang 76 porsyento naman sa intensive care unit beds.