Hospital referral center tambak ang tawag

Hospital referral center

TAMBAK ang tawag sa hospital referral system ng Department of Health na One Hospital Command simula nang sumipa ang kaso ng Covid-19.

Ani Health Undersecretary Leopoldo Vega, mula sa 66 na tawag kada araw ay umabot na ito sa 300.”Pagdating ng surge, dumami po ang tawag namin, na-overwhelm din ang aming capacity sa One Hospital Command,” ani Vega, na sinabing nagdagdag na sila ng mga tauhan para masolusyunan ang problema. Nilikha ang One Hospital Command para tukuyin ang mga ospital na tumatanggap pa ng mga pasyente ng Covid-19.

Makokontak ang One Hospital Command sa mga numerong 0919-977-3333, 0915-777-7777 at (02) 88650500.