Bahay niratrat; batang abala sa module todas

bahay niratrat

NASAWI ang isang bata matapos paulanan ng bala ang kanilang bahay sa Ilagan City, Isabela kamakailan, ayon sa pulisya.

Base sa ulat, abala sa pagsagot sa module si Robin Carl Londonio, 9, ng Brgy. Mangcuram, nang paputukan ang kanilang bahay noong Linggo ng gabi. Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan si Londonio. Naitakbo pa siya sa ospital pero hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang nasa likod ng pamamaril at motibo nito.