Senior citizens sinimulan nang turukan ng AstraZeneca

ILANG mga senior citizens mula sa Maynila ang sinimulan nang bakunahan laban sa coronaviurs disease.

Linggo ng hapon ay may ilang senior citizens na residente ng Tondo, Maynila ang binigyan na ng bakunang AstraZeneca.

Lunes ng umaga ay mangilan-ngilan ding mga matatanda ang nabigyan ng AstraZeneca sa San Andres Bukid.

Target ng Manila Health Department na mabakunahan ang 2,380 mga senior citizens na nauna nang nagpahayag na nais nilang mabigyang proteksyon laban sa virus.

Matatandaan na kabilang ang mga senior citizens at mga pribadong indibidwal na may comorbidities sa priority list.