GCQ sa Metro Manila ie-extend




MALAKI ang posibilidad na mapalawig ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwan, ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla.


Ani Padilla, may mga indikasyon na hindi isasailalim sa pinakamaluwag na quarantine restriction na Modified GCQ ang National Capital Region.


“Ayaw ko naman pong pangunahan ang ating Pangulo pero ‘yan po ang makikitang indikasyon,” dagdag niya.


Paiiralin hanggang ngayong araw sa NCR, kasama ang Rizal at Bulacan, ang GCQ “with some restrictions.”


Kaugnay nito, sinabi ng OCTA Research group na dapat i-extend pa hanggang Hulyo 31 ang GCQ classification sa Metro Manila at mga katabing probinsya.


“The NCR Plus would benefit from extending the GCQ status until the end of July. The extension will also prevent a resurgence,” ayon sa grupo.