45 porsyento ng mga Pinoy gustong pabakuna: survey


NASA 45 porsyento ng mga Pilipino ang handang magpabakuna laban sa Covid-19, base sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS), mas mataas kumpara sa 32 porsyento na naitala noong Mayo.


Lumabas din sa natirang survey na pitong porsyento ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang tatlong porsyento naman ang nakakumpleto na.


Sa pahayag na kung may pagkakataong bigyan ng libreng bakuna, sinabi ng 36 porsyento ng mga respondents na “will surely get it” habang siyam na porsyento ang “will probably get it.”


Ang nagsabing “uncertain about it” ay 24 porsyento habang 21 porsyento ang umamin na hindi sila handa sa bakuna–18 porsyento rito ang nagsabing “will surely not get it” habang tatlong porsyento ang nagsabing “will probably not get it.”


Isinagawa ang survey mula Hunyo 23-26. –WC, A. Mae Rodriguez