Fully vaxxed na senior citizens pwedeng gumala, mag-malling

MAAARI nang gumala ang mga senior citizens sa Metro Manila ngayong nasa Alert Level 3 na lamang ito.

Pero, ayon sa Malacanang, ang pwede mag-lakwatsa at mag-malling ay ang mga senior citizens na fully vaccinated pa lang.

Ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos mabalitaan na ilang mall sa Metro Manila ang ayaw pa ring magpapasok ng mga senior citizens kahit mga bakunado na ang mga ito.

“Hindi natin binabawi iyong incentive na binigay natin sa seniors na kapag sila ay vaccinated eh pupuwede po silang pumunta sa mga malls at pupuwede silang lumabas ng bahay, ganoon pa rin iyon,” paliwanag ni Roque.

“Ang hindi natin ina-allow pa ngayon ay iyong mga menor de edad na magpunta sa mga malls kasi hindi sila bakunado, unlike the senior citizens na posibleng bakunado na sila,” dagdag pa nito.