Rabiya Mateo nasa US na para sa Miss U

READY to conquer the universe ang atake ni Rabiya Mateo sa kanyang pagdating sa Florida, USA to compete in the Miss Universe 2020 pageant.


Chika ni Rabiya, ibubuhos niya ang kanyang buong lakas para sa maiuwi ang korona.


“Alam ko sa sarili na binuhos ko po lahat ng lakas ko at pinaghandaan ko po talaga ito,” sey niya sa isang interview bago umalis ng bansa.


“Ibubuhos ko ang lahat ng lakas sa laban na ito at taas noo kong sasabihin, ‘Ikinararangal kong maging modernong Pilipina sa isip, sa puso, sa diwa, sa salita at sa gawa,” sabi naman niya sa kanyang Instagram post.


“Sana in the coming days maiuwi natin ‘yung ikalimang korona para sa bansa,” aniya.


Nasa 80 na kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang lalahok sa pageant.


Dadalo muna si Rabiya sa isang pre-pageant activities kasama ang iba pang mga candidates.


Gaganapin ang Miss Universe 2020 pageant sa May 16 (Sunday 8:00 p.m. Eastern Time) o May 17 (Philippine Time) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood.


Sa kasalukuyan ay mayroon nang apat na Miss Universe winners ang Pilpinas. Ito ay sina Gloria Diaz nagwagi noong 1969, Margie Moran noong 1973, Pia Wurtzbach noong 2015 at Catriona Gray nitong 2018.