COVID-19 cases tumataas sa 14 lugar na nasa Alert Level 1

MAY “gradual rise” umano sa bilang ng COVID-19 cases sa 14 na lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sa isinagawang “Talk to the People” briefing ni Pangulong Duterte Lunes ng gabi, bagamat hindi binanggit ni Duque ang 14 lugar, tinukoy naman nito na nasa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon ang mga pagtaas ng kaso.

Anya, ang tatlong rehiyon ang nagtala ng pinakamaraming bagong kaso mula Abril 12 hanggang 18. Ang mga ito ay Metro Manila, 606 cases; Calabarzon na merong 226, at Central Luzon na may 181 kaso.