Biden positive sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa Covid-19 si US President Joe Biden ngayong Huwebes, bagamat ayon sa kanyang mga doktor, nakararanas ang 79-anyos na lider ng mild fatigue at naka-isolate sa White House habang tuloy ang kanyang pagtatrabaho.

Nag-post pa si Biden ng kanyang larawan habang nagtatrabaho sa kanyang tanggapan sa White House.

“Doing great… Keeping busy!” sabi ni Biden sa kanyang tweet.

Humingi rin siya ng paumanhin dahil hindi makadadalo sa kanyang iskedyul sa Pennsylvania.

Sinabi naman ng White House ma fully vaccinated si Biden at umiinom ng Paxlovid pill ng Pfizer, isang antiviral na ginagamit para maiwasan ang malubhang epekto ng Covid-19.

“Consistent with CDC (Centers for Disease Control and Prevention) guidelines, he will isolate at the White House and will continue to carry out all of his duties fully during that time,” sabi ng White House.