BAGONG SILANG, SAWI SA COVID-19

NAMATAY sa Covid-19 ang isang kapapanganak na sanggol sa Sto. Tomas, Davao del Norte, ayon sa ulat.

Kinumpirma ng Inter-agency Task Force ng nasabing bayan na sumakabilang-buhay ang lalaking sanggol anim na araw mula nang ito ay ipanganak. Isinilang ang bata sa clinic sa Sto. Tomas, kung saan mayroong 180 kumpirmadong kaso ng Covid-19.

Agad namang inilibing ang bata. Inaalam pa ng mga otoridad kung positibo rin sa virus ang ina nito na 16-taong-gulang.

Napag-alaman na karamihan ng kaso sa nasabing munisipalidad ay bunsod ng di-pagsunod sa health protocols gaya ng social distancing.