IVANA ALAWI, DI UURONG SA DEMANDA

HINDI uurungan ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang kasong isasampa sa kanya kaugnay sa isa niyang vlog where she pretended to be a beggar and roamed the streets of Manila para mamigay ng ayuda.

“Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko. Lalaban ako,” sey ni Ivana.

Nagbanta ang ilang netizens na kakasuhan ang aktres dahil sa paglabag niya sa health protocols at sa pamamalimos.

“I didn’t do anything wrong. Ang intention ko was just to help out and to inspire people,” paliwanag niya.

“Wala akong tinapakan na tao, wala akong sinaktan na tao. Masaya ako sa video and I would do it again,” dagdag niya.

Tanggap na rin ni Ivana that she cannot please everyone.

“Kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang hindi maganda, laging may masasabi sila,” aniya pa. –A. Mae Rodriguez