WEDDING IN THE TIME OF COVID: JESSY, LUIS KASAL NA

Kumpirmadong Mrs. Luis Manzano na ang aktres na si Jessy Mendiola.

At ang kumpirmasyon ay nanggaling mismo kay Jessy nang magpost ito ng larawan nila ng actor-host na si Luis sa kanyang Instagram.

“Officially Mrs. Manzano,” sey ng caption ni Jessy sa kanyang IG account na may handle na @senorita_jessy.

Masaya naman siyang binati ng kanyang mga friends sa showbiz.

“Gorgeous! Congratulations to both of you!” sabi KC Concepcion.

“Congrats! Omg,” ayon naman kay Arci Munoz.

“Ate! Congratulations!” pagbati naman ni Sue Ramirez.

Ilang taon din munang naging magkasintahan ang dalawa hanggang nitong 2020 nang mag-propose si Luis kay Jessy.

Photo from: ABS-CBN News