15,000 Sputnik V doses dumating sa PH

DUMATING Miyerkules ng gabi ang 15,000 doses ng Sputnik V vaccine.


Sakay ng Qatar Airways, dumating sa NAIA Terminal 3 ang mga bakuna mula sa Russia alas-9:26 ng gabi.


Sinabi ng tanggapan ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na gagamitin ang mga ito para sa ikalawang dose ng mga nakatanggap na ng Sputnik V.


Matatandaang dumating sa Pilipinas noong Mayo 1 ang unang 15,000 Sputnik V doses.


Ayon pa sa tanggapan ni Galvez, magkaiba ang component ng una at ikalawang doses ng bakuna.