Andrea Brillantes kinopya hairstyle ni BLACKPINK Jennie, nagsugat ang anit

NAGSUGATSUGAT ang anit ni teen actress Andrea Brillantes matapos anim na beses magpa-bleach ng buhok para ma-achieve ang hair color ni BLACKPINK Jennie.


Kwento ng dalaga, gusto talaga niyang magaya ang buhok ng K-pop singer kaya naman ilang beses siyang nag-bleach.


“Early quarantine, ‘yung talagang stuck tayo sa bahay, nababaliw na ako. Tapos nilabas ng BLACKPINK ‘yung music video nila na si Jennie blonde ‘yung hair. So blineach ko rin ‘yung buhok ko six times. Ganon ko kamahal si Jennie,” ani Andrea.


“Hindi ako pumayag na hindi ko ma-achieve (‘yung hair color ni Jennie), so blineach ko siya tapos ‘yun namatay ‘yung buhok ko. Nalalagas na siya,” kwento pa niya.


Dahil sa sobrang bleach ay nagkasugat din ang anit ni Andrea kaya napilitan siyang magpagupit.