State of the nation is sound

WHY do i despise thee?

Let me count the sins..

Sabi mo sa State of the Nation Address o SONA, ang state of the nation natin is sound.

E, mula three million noong December 2021, dumami pa sa 3.1 million ang mga Pinoy na nakaranas ng gutom sa unang tatlong buwan ngayong taon.

Sound.

Hindi naman nakapagtataka dahil may 2.93 million ang walang trabaho hanggang nitong May, kaya gutom nga.

Nabawasan pa ang jobless ng lagay na yan na dating 3.74 million nung isang taon, buwan din ng Mayo.

Sound.

https://tradingeconomics.com/philippines/unemployment-rate

Tapos nakipagkarerahan hanggang nitong June, ang presyo ng mga bilihin o inflation rate na bumilis sa 6.1%.

Sound.

https://psa.gov.ph/statistics/survey/price/summary-inflation-report-consumer-price-index-2018100-june-2022

Gumagapang na sa pagkayod ang mga Ka-Publiko para lang may makain.

The state of the nation is sound.

Kung may trabaho ka naman, speed bagal ang minimum wage na P537 a day sa NCR nung February ngayong taon laban sa pataas ng pataas na cost of living para mabuhay ng disente ang family of five.

Ayon sa research institution na Ibon Foundation, dapat ay P1, 072/day o P25, 252/month ang income nila para disenteng makapamuhay.

Kaya kahit may wage increases na sa 14 regions ng mula P30/ day hanggang P110/day effective June ayon sa DoLE, naging barya-barya na lang yan.

Sound.
https://www.dole.gov.ph/news/wage-hikes-in-14-regions-take-effect-this-month/

Sa pagpasok ng 2022, may 3.9 milyong Pinoy ang walang sariling tirahan na proteksyon nila para ligtas sa anupamang kapahamakan.

Sound.

Marami riyan, walang malay na kasama sila sa magbabayad ng P12.76 Trillion na utang ng Pilipinas dahil mas busy sila sa paghahanap ng makakain.

Sound.

https://www.treasury.gov.ph/wp-content/uploads/2022/06/NG-DEBT-PRESS-RELEASE_Apr-2022_final.pdf

Kaya pag nagkasakit sila, tiyak na makikipag-agawan sila na matanggap sa ospital.

Ito’y dahil hanggang nung isang taon, meron lang kulang sa isang hospital bed ang Pilipinas sa bawat 1000 katao.

Malayo yan sa requirement ng World Health Organization na tatlong hospital bed sa bawat 1000 katao.

Sound.

Sabi mo priority mo food security at murang halaga, pero wala ako makita sa 19 priority bills mo na direkta at agad na lulutas sa food problem.

Kaya nga nag-volunteer ka umakting na Agriculture secretary.

Inuna mo pa ang pagbabalik ng ROTC.

Pinapasinop mo ang tax collection system sa Pilipinas pero dinededma mo ang P203M estate tax liabilities mo.

Priority mo ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act and Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act.

No admission of human rights violations, no apologies, no return of stolen wealth, no estate tax payments, the state of the nation is sound.

Unity ang pinatingkad mong campaign line pero hindi ko na narinig yan sa unang SONA mo.

Wala kang pag-amin sa human rights violations ng namatay mong ama na diktador, walang sorry.

Hindi nyo pa rin ibinabalik ang natitirang nakaw na yaman na kinumpirma ng ating Supreme
Court noong July 15, 2003 na umabot sa P25B na itinago sa Swiss banks?

Malaking tulong sa mahihirap ang dapat nyo pang isoli na $6B ill-gotten wealth.

Iniiwasan nyong harapin ang mga malalaking problema na yan at nabubuhay kayo sa pagtakas sa mga obligasyon, panloloko at kasinungalingan.

Sound ang state of the nation dahil sound ang mental health at morals ng bagong lumang liderato.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]