Si Cong na mahilig sa celebrity: Out with the old, in with the new

MAY bagong apple of the eye ang isang sikat na beteranong pulitiko sa katauhan ng isang medyo sikat na rin namang young actress.

Sinabi ng aking spotter na tuluyan nang iniwan ni Tatang….este ng beteranong pulitiko ang dati niyang sweetheart na aktres na na-link naman sa isang chickboy na aktor.

Hindi nagustuhan ni Mr. Politician ang ginawang panloloko sa kanya ng aktres makaraan niya itong bigyan ng puhunan para sa kanyang mga magulang sa probinsya.

Nagbigay kasi ang bida nating pulitiko ng pera sa aktres para ipambili ng 20 baka na aalagaan ng mga magulang ng nasabing artista.

Pero imbes na baka nauwi lang sa wala ang puhunan na ibinigay ni Mr. Politician dahil sa luho ng pamumuhay ng aktres na wala rin namang project sa kasalukuyan.

Sinabi pa ng aking spotter na marami na rin namang naibigay sa aktres ang bida nating pulitiko tulad ng condo unit at ilang mga sasakyan.

Samantala, dahil naman sa pagiging generous kahit matanda na ay napalapit naman si Sir sa isang papasikat at magandang aktres na ayon sa balita ay bago niyang minamahal.

Hindi halata ang mga regalo ni Sir dahil may malaking project sa kasalukuyan ang aktres.

Sinabi pa ng mga Marites sa isang kilalang network na may bagong SUV ang actress courtesy of matang pulitiko na bida ngayon sa ating kwento.

Kilalanin nyo na, si Mr. Politician ay matapang, maginoo at mahilig sa sugal.

Ang aktres naman na lumustay sa pambili ng baka ay nali-link ngayon sa isang actor na nang-iwan naman sa kanyang pamilya.

Ang bagong apple of the eye naman ni Mr. Politician ay madaling mahulaan kung kayo ay titingala sa kalangitan.

Teka nga pala, paalala sa mga Marites na basher, blind item po ito kaya hwag kayong ewan kung maka-comment. Yun lang bye.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]