Mayor-elect sa Central Luzon hindi happy sa pagkapanalo

NAKABALIK sa pwesto ang isang dating alkalde sa Central Luzon na mula sa isang maimpluwensiyang pamilya.

Pero sinabi ng aking spotter na tila hindi happy sa kanyang tagumpay ang bida nating pulitiko.

Wala itong kinalaman sa isyu ng pagkakaroon niya ng anak sa isang dating sexy star na dati na ring nagreklamo na kanyang pinabayaan.

Balita kasi sa kanilang bayan na malaking salapi ang ginastos ng pulitikong ito para matiyak na muli siyang makababalik sa pwesto.

Kung parehas ang labanan ay hindi siya mananalo dahil sa totoo lang ay marami ang hindi bilib sa ipinakitang leadership noon ni Mr. Mayor.

Pero dahil na rin sa tulong ng kunsintidor niyang ama na ang balita ay namudmod ng alak at pera sa kanilang banal na lugar ay muling nakapwesto ang pulitikong ito.

Kamakailan lang ay sunud-sunod na pagsubok ang dumaan sa kanilang pamilya kaya naman ang panalangin ng kanyang mga kababayan sana naman sa pagkakataong ito ay maging matino na ang pamamahala ng nagbabalik na mayor.

Tigil-tigilan na sana nya ang pambababae at kayabangan at higit sa lahat ay maging masinop sa paggamit sa pondo ng kanilang bayan.

Hindi na kailangan ang clue dahil malapit daw sa diyos ang pamilya ng ating bida sa araw na ito.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]