Shooting incident sa Ateneo de Manila University; 2 patay

KINUMPIRMA ng Quezon City Police na dalawa ang nasawi sa shooting incident sa Ateneo de Manila University sa Katipunan avenue, Quezon City, Linggo ng hapon.

Unang iniulat ng Metro Manila Development Authority na naganap ang pamamaril sa Ateneo law school graduation sa ADMU alas 2:55 ng hapon.

Sa isang post sa Twitter, sinabi ng MMDA na nangyari ang pamamaril sa Ateneo Gate 3, at nasa lugar na ng pinangyarihan ang mga pulis.

Samantala, sinabi naman ng abogadong si Brian Hosaka, spokesman ng Korte Suprema, na nakatakda sanang magsalita si Chief Justice Alexander Gesmundo sa graduation.

“He was still in transit when the shooting happened and was advised to turn back. The Chief Justice is safe.” ayon kay Hosaka.