Rolbak sa diesel, kerosene kumpirmado

KUMPIRMADO na ang bawas-presyo sa diesel kung saan aabot sa P2.20 kada litro ang ibabawas simula bukas (Peb. 14, 2023).

Bukod sa diesel, may pagbaba rin sa halaga ng kerosene kung saan magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng P2.50 kada litro.

Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Ito na ang ikalawang linggo na nagpatupad ng rolbak ang mga kumpanya ng langis.