Presyo ng produktong petrolyo may dagdag-bawas

MAY dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula sa Martes, kung saan aabot sa 40 sentimo hanggang 60 sentimo kada litro ang ibababa ng diesel.

Samantala, may pagtaas naman sa presyo ng gasolina, na aabot mula 60 sentimo hanggang 90 sentimo kada litro.

Aabot naman sa 50 sentimo hanggang sentino 90 kada litro ang itataas sa presyo ng kerosone.

Nitong Martes, nagpatupad ng P2.90 kada litrong taas-presyo sa diesel samantalang 70 sentimo naman sa kada litro itinaas sa gasolina.

Samantala, tumaas ngayong linggo ang kerosone ng P1.65 kada litro.