Panibagong oil price hike ipatutupad

MAGPAPATUPAD muli ng dagdag sa presyo ng produktng petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula bukas, Marso 1.

Tataas ng 90 sentimo ang presyo ng kada litro ng gasolina, habang 80 sentimo naman ang itataas ng presyo ng diesel kada litro at 75 sentimo naman sa kerosene o gaas.

Ito na ang ika-siyam na sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ipatutupad ang dagdag presyo bukas ng umaga.