PINAG-AARALAN na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mag-isyu ng moratorium sa implementasyon ng crackdown laban sa pagbebenta ng frozen na pompano at salmon matapos itong batikusin ng mga senador.
Sa isang panayam sa DZBB, sinabi ni BFAR Information and Fisherfolk Coordination Unit Chief Nazario Briguera ipinaalam na niya kay BFAR Officer-in-Charge Atty. officer-in-charge (OIC) Atty. Demosthenes Escoto ang pinakahuling kaganapan sa Senado.
“Nai-feedback ko na ang nangyari sa Senado, yes, tatalima kami kasi may direktiba kami na magpaliwanag sa hakbang na ito, and according to our head we will comply as the soonest time possible or based on the time given to us by the Senate,” sabi ni Briguera.
Nauna nang binatikos ng mga senador, partikular ni Sen. Grace Poe, ang hakbang ng BFAR na ipagbawal ang pagbebenta ng pompano at salmon sa mga palengke.
Sinabi ni Poe na dapat magpatupad ng moratorium ang BFAR lalo na ngayong kapaskuhan.