Zsa Zsa nag-thank you kay Yael

TODO-PASALAMAT si Zsa Zsa Padilla sa manugang niyang Spongecola frontman na si Yael Yuzon dahil sa pagmamahal at pag-aalaga sa anak niyang si Karylle.

“Unang-una, minahal mo talaga nang lubusan si Karylle. Tinatrato mo siya maigi at nakikita ko na talagang pina-prioritize mo siya. Napakasipag ni Yael. Magandang trait ‘yon kasi alam ko na maalagaan niya ang anak ko ng husto. At saka mapagbigay siya kay Karylle,” sey ni Zsa Zsa.

Muli namang inalala ni Zsa Zsa ang first impression niya noon sa manugang.

“Kasi ang image niya hindi ba rocker? Siyempre naisip ko ‘naku, chick-magnet kaya ito?’ Natanong ko pa yata kay K ‘yon eh/. Naalala ko lang ngayon ‘chick-magnet?’ Marami bang girlfriend si Yael kasi hindi ba kapag banda habang kumakanta hinahangaan?” sey niya.

Pero sa ilang taon na pagiging mag-asawa nina Yael at Karylle ay nag-iba ang tingin niya sa bokalista.

“Yung image niya rin kasi hindi ba may angas? Astig ang mga rock star pero, oh my God, kapag nakilala niyo si Yael, he is such a softie. He has a soft heart kumbaga talagang napaka-gentle niya,” dagdag niya.