Kotse ng aktor natangay ng kawatan

TINANGAY ng mga hinihinalang karnaper ang vintage sports utility vehicle ng aktor na si Khalil Ramos sa Novaliches, Quezon City nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa magkahiwalay na post nina Khalil at girlfriend na si Gabbi Garcia, nawala ang silver and green na 1995 Mitsubishi Montero habang nakaparada ito sa Greenfields 1 Subdivision, Novaliches.

Huli itong nakita alas-4:36 ng umaga. May license plate number ito na MTR 168

Mayroon itong roof rail, awning tent, at off-road tires ang naturang sasakyan, ayon kay Khalil.

Sa lumang Instagram post, sinabi ng Kapuso aktor na ang ama niya ang nag-alaga sa sasakyan nang mamatay ang kanyang lolo.

Ayon sa ulat, nasa P1.5 milyon ang halaga ng sasakyan.