DA: Presyo ng siling labuyo umabot sa P600 kada kilo

UMABOT na sa P600 kada kilo ang presyo ng siling labuyo, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Base sa monitoring ng DA sa mga palengke ngayong Lunes, pinakamataas na naitala ang presyo ng siling labuyo sa Las Piñas Market sa Las Piñas City na umabot ng P580 hanggang P600 kada kilo. 

Sa Muñoz Market sa Quezon City, umabot ang retail price ng siling labuyo mula P400 hanggang P500 kada kilo. 

Sa Pasig Mega Market sa Pasay City, ibinibenta ang siling labuyo mula P450 to P500 kada kilo; P480 hanggang P500 kada kilo sa Quinta Market in Manila City at P500 kada kilo sa Guadalupe Market sa Makati City.