DA palpak sa P125 SRP sa sibuyas

BIGONG maipatupad ng Department of Agriculture (DA) ang P125 suggested retail price (SRP) sa imported na sibuyas na naging epektibo ngayong Miyerkules.

Base sa monitoring ng DA ngayong Miyerkules, naglalaro pa rin ang imported na pulang sibuyas sa P180 hanggang P200 kada kilo.

Mas mataas din ang ibinibentang imported na puting sibuyas sa halagang P200 kumpara sa P100 na lokal na puting sibuyas.

Umaabot lamang sa P35 kada kilo ang landed cost ng imported na sibuyas bagamat ibinebenta nang napakataas.