Bawas presyo sa langis muling ipatutupad

MULING magpapatupad ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis ngayong Martes, bagamat maliit lamang ang inaasahang pagbaba.

Aabot sa P1.60 hanggang P1.80 kada litro ang ibaba sa presyo sa kada litro ng diesel.

Mas maliit naman ang inaasahan sa gasolina kung saan aabot lamang ito ng singko sentimo kada litro.

Nitong nakaraang linggo, nagpatupad ng P5 kada litrong rollback sa gasolina, samantalang P2 sa kada litro ng diesel.