Ateneo shooting: 3 patay, doktor na suspek arestado

TATLO katao na ang kumpirmadong nasawi sa Ateneo shooting. Isa sa mga biktima ay mayor ng lalawigan ng Basilan, at guest ng magtatapos na mag-aaral sa Ateneo Law School.

Mariin namang kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang karahasan na ikinasawi ng nagbitiw na mayor ng Lamitan City, Basilan na si Rose Furigay, isang Ateneo campus security guard at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Arestado naman na ang suspek na nakilala bilang isang Chao Tiao Yumul, isang doktor at residente ng Lamitan City, Basilan.

Nagdesisyon na rin ang Ateneo Law School na ikansela ang nakatakdang 2022 Commencement Exercise ngayong araw dahil sa insidente