Anak ni Bembol Rocco timbog sa buy bust

INARESTO ng mga otoridad ang aktor na si Dominic Rocco at apat na iba pa sa drug buy-bust operation sa isang townhouse sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, pangunahing target ng operasyon si Reynaldo Sanchez, isang hinihinalang drug trafficker, ng Don Antonio Heights, Barangay Holy Spirit.

Bukod kina Rocco, anak ng premyadong aktor na si Bembol Rocco, at Sanchez, nadakip din ang isang babae at dalawa pang lalaki. 

Nakuha sa kanila ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000, at 10 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P14,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.