3 bagets timbog sa P40M shabu

ARESTADO ang tatlong menor de edad na nakunan ng P40.8 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Mandaluyong.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasakote ang tatlo, may edad 15, 16 at 17, sa gasoline station sa Sierra Madre st., Brgy. Highway Hills.

Nakuha sa tatlo ang anim na kilo ng shabu at Nissan Sentra na ginamit nila sa pagdadala ng droga.

Nakatakdang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga suspek.