Delivery rider nangmolestiya sa kalsada

PINAGHAHANAP ng pulisya ang delivery rider na nangmolestiya ng babae sa kalsada kamakailan sa Quezon City.

Naganap ang insidente noong Mayo 14 pero noong Linggo lamang nagreklamo ang biktima matapos niyang makuha ang pangalan ng suspek.

Ayon sa biktima, 23, naglalakad siya sa kalye nang sinundan siya ni Justin de Guzman at biglang nilamas ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Sa takot ay nagtatakbo ang babae habang tumakas ang suspek.

Nakunan ng CCTV ng barangay ang pangyayari.

Napag-alaman na hindi ito ang unang beses na inireklamo si de Guzman dahil sa pangmomolestiya.

Kakasuhan siya ng acts lasciviousness.