24-oras na libreng sakay sa Edsa Bus Carousel simula na

SIMULA na ngayong araw, Disyembre 1, ang 24 oras na libreng sakay sa EDSA Bus Carousel na tatagal hanggang Disyembre 31, 2022.

Nauna nang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na magiging 24 hours na libreng sakay bagamat ito ay tatagal na lamang hanggang katapusan ng taon.

Inaasahan namang makatutulong ang 24 oras na libreng sakay sa ipinatutupad na bagong oras sa operasyon ng mga mall.

Mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi ang bagong oras ng mga mall sa harap naman ng trapik na nararanasan sa Metro Manila bunsod ng paparating na kapaskuhan.