Zipper ng pants ni Ryan itinaas ng bunso

LAUGH trip ang publiko sa eksena sa birthday ni actor-host Ryan Agoncillo sa “Eat Bulaga” kamakailan.
Sa kalagitnaan ng pagbati ng mga dabarkads ay bigla nilapitan ng bunsong anak na si Luna si Ryan saka isinara ang nakababang zipper nito.


Hindi lang si Ryan ang nagulat kundi pati na rin ang asawa niyang si Judy Ann Santos at mga anak na sina Yohan at Lucho na personal siya na binati sa studio ng noontime show.


Habang nakangiti si Ryan, nagkatinginan na lang sina Judy Ann at mga anak.


Bago ito lumahok si Judy Ann at iba pang hosts ng show sa special edition ng segment na “Peraphy.”
Reaksyon ng mga dabarkads.


“Cute ni Luna. Overprotective sa parents.”
“Ilan beses ko inulit ang ginawa ni Luna. Nakakatuwa reaction ni Lucho at nung panganay. Hahaha. Nanlaki mata sa gulat.
“Reaction nila Yohan at Lucho. Hahaha. Kyot.”
“Nice one Luna.”