Zanjoe tuwang-tuwa sa gift ni Ria

IBINIDA ni Zanjoe Marudo sa Instagram ang regalo sa kanya na golf cart ng misis na si Ria Atayde.


“Best gift ever,” caption ng aktor.


Wala pang post si Ria sa regalo ni Zanjoe sa kanya.


Bago ito, ipinagdiwang ng mag-asawa ang Easter Sunday sa beach trip ng pamilya ni Ria.


Bukod sa mga magulang ni Ria na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, kasama rin sa bakasyon ang mga kapatid niyang si Arjo, Xavi at Gela, at asawa ni Arjo na si Maine Mendoza.


Ikinasal sa civil ceremony sina Ria at Zanjoe noong March 23, ang kaarawan ng aktres.