Walang love life dumadami–SWS

DUMADAMI ang mga Pinoy na single o walang love life sa paglipas ng mga taon, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Base sa inilabas na 2023 fourth quarter survey ng SWS, pumalo na sa 19 porsyento ang mga Pilipino ang umamin na wala silang love life.

Doble ito kumpara sa bilang ng mga nagsabing single sila noong 2002.

Ipinakita rin ng SWS ang pagtaas ng bilang ng mga walang love life kada taon mula noong 2002 hanggang 2023. Isinagawa ang nasabing survey mula Disyembre 11 hanggang 13, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 mga Pinoy na nasa edad 18 pataas.