Vhong maayos kalagayan sa Taguig City Jail

SINABI ng abogado ng aktor at TV host na si Vhong Navarro na maayos ang kalagayan nito sa Taguig City Jail.

Pagdating niya rito ay sumailalim siya medical exam kung saan requirement ito ng facility.

“OK naman. Under quarantine pa rin sya up to now,” aniya ni Atty. Mariglen Abraham-Garduque.

Bukod sa kinakailangang quarantine, kailangan ding isuot ng aktor ang yellow-shirt uniform ng lahat ng naka-confine sa penal institution.

Dinala sa Taguig City jail ang aktor nitong Martes.